About

Groom & Bride

The Groom

Hello, I am Leimar Deloria and future husband ni Freda. Ito ang POV ko kung paano ko nalamang inlove na ako kay sakanya. Kami ay magkakaklase noong Grade 11 hindi ganoon ka-close noong una pero magkakilala nagkakasama sa mga galaan ng klase, nagsimulang magkulitan at dahil sa pangyayaring ito mula sa kulitan ay dito ko narealize na nabihag na pala ako ng babae’ng ito. Ito ay yung pinayungan niya ako sa oval noon, simple man pero sa mga oras na to bumagal ang oras at paligid. Alam niyo yung nasa kdrama, ganoon yung moment na yun. Hahaha! Mas lalo pang lumalim noong nagkakatext na kami, nalaman ko kung gaano ka-swak yung ugali namin, parehong masiyahin at makulit siguro yung mga qualities na ito yung nagpabihag ng puso ko. Kaya naman, hindi na ko nagpaligoy-ligoy at niligawan ko na siya. Nadala ng kwek-kwek at charisma ko kaya nakuha ko ang matamis niyang “oo”. Masaya ako na ang babaeng kakulitan at kaasaran ko lang noon ay magiging habang buhay ko nang makakasama.

Leimar

The Bride

Hello, I am Freda Ogardo the soon-to-be wife ni Leimar! Para sa mga nakakakilala saakin ng lubos, Sobrang out going kong tao kaya hindi naniniwala mga friends ko pagsinabi kong tahimik lang ako. Pero huwag niyo lang ako yayain ng galaan sa gabi kasi tutulugan ko kayo. Haahahhaha! So here is my POV kung paano ko nalamang inlove na ako kay Leimar. Omgg!! So ito na nga, hindi ko talaga nalaman noong una na na-fall na pala ako, wala akong idea na yun pala ang feeling ng inlove. Leimar is my first boyfriend, so dahil hindi ko pa nararanasan kaya wala akong ka-alam-alam na pag-ibig na pala yun. Isa rin sa naging dahilan ay ang magaling kong bestfriend kaya naging kami. Hahahaha! Sabi niya, sagutin mo para maranasan mo magkaroon ng boyfriend at yung subukan na yun hindi naming inaasahan na sa kasalan pala hahantong.

Freda

Story

Our Love Story

First Meet

Nagkita at nagkakilala kami sa University of Makati bilang magkaklase, noong una ay hindi kami ganoon ka-close pero dahil madalas kaming nagkakasama sa mga galaan ng klase, madalas na tumatambay sa bahay ng kaklase, gumagala sa market-market, nag-iikot at naglalaro sa serendra park dahil sa bonding namin as a class unti-unti naming nakikilala ang isa’t-isa. Nagsimulang lumalim at maging close kami noong nagsimula kaming magkatext. Actually may main twist talaga ang kwento namin papamagatan ko nalang ng " ANG PAYONG" kasi mahaba kung ilalahad namin dito. HAHA :)

First Date

Wala kaming literal na first date, kasi kwek-kwek lang sa Guada masaya na kami, ito yung mga pasok lang sa budget namin kasi pareho pa kaming estudyante pero ngayon nabibili na namin ang hilig namin at yun ay ang kape. Naalala namin noon, tuwing monthsarry namin talagang pinag-iipunan namin para makakain sa jollibee o mang-inasal. Ito yung mga bagay na simple man pero sobrang saya na namin.

Proposal

april 22, 2023 nang ako ay nag propose kay Freda, bago ang araw na yon, akala ko noong una ang lahat ng plano ko ay hindi magiging successful dahil sa daming pagsubok ang dumating sa araw na iyon, lalong lalo na sa mga materials na gagamitin, kulang sa oras dahil sa last minute na na-cancel yung ibang materials na pinaghandaan at plinano ko. Pero buti nalang malakas ako kay Lord at nakahanap ako ng ibang suppliers online akala ko nga noon mahahalata niya dahil habang naghahanap ako ng mga kapalit na suppliers ay magkasama kami. Noong araw na yun nasa tagaytay kami para mag unwind mula sa mga problema namin, Mabuti at nariyan ang pamilya niya at pamilya ko upang tulungan at suportahan ako sa plano ko.

Enagagement

Noong una plano talaga naming makasal sana sa August 8 kaso sa hindi inaasahang pagkakataon maraming pangyayari ang hindi nagswak sa date na ito, kaya napag desisyunan naming pareho na gawin na lamang ito sa June 8, 2024. "JUNE" dahil ito ang maswerteng buwan para sa pagpapakasal at "8" kung saan naroon parin ang pinakamahalagang numero namin at sumisimbolo ng infinity na walang hanggang pagmamahalan naming dalawa sa isa't isa.

Event

Our Wedding Timeline

Our Wedding Ceremony & Reception

Friends & Family

Groomsmen & Bridesmaid

  • Groomsmen
  • Bridesmaid

James

Bestman

Marielle

Matron De Honor

Emilson

Bestman

Krechel

Made Of Honor

Matt

Groomsmen

Lorraine

Bridesmaid

Gabriel

Groomsmen

Thea

Bridesmaid

Daryl

Groomsmen

Jasmine

Bridesmaid

John Steve

Groomsmen

Joan

Bridesmaid

John

Groomsmen

Mylene

Bridesmaid

Jeffrey

Groomsmen

Karen

Bridesmaid




RSVP | INVITATION | GIFT WISHLIST |FAQS

Join Our Party

Thank You

Facebook Group

fredaleimarwedding@gmail.com
+639661443648 | +639158796380

|

© Domain Name. Designed by HTML Codex