Story
Our Love Story
First Meet
Nagkita at nagkakilala kami sa University of Makati bilang magkaklase, noong una ay hindi kami ganoon ka-close pero dahil madalas kaming nagkakasama sa mga galaan ng klase, madalas na tumatambay sa bahay ng kaklase, gumagala sa market-market, nag-iikot at naglalaro sa serendra park dahil sa bonding namin as a class unti-unti naming nakikilala ang isa’t-isa. Nagsimulang lumalim at maging close kami noong nagsimula kaming magkatext. Actually may main twist talaga ang kwento namin papamagatan ko nalang ng " ANG PAYONG" kasi mahaba kung ilalahad namin dito. HAHA :)
First Date
Wala kaming literal na first date, kasi kwek-kwek lang sa Guada masaya na kami, ito yung mga pasok lang sa budget namin kasi pareho pa kaming estudyante pero ngayon nabibili na namin ang hilig namin at yun ay ang kape. Naalala namin noon, tuwing monthsarry namin talagang pinag-iipunan namin para makakain sa jollibee o mang-inasal. Ito yung mga bagay na simple man pero sobrang saya na namin.
Proposal
april 22, 2023 nang ako ay nag propose kay Freda, bago ang araw na yon, akala ko noong una ang lahat ng plano ko ay hindi magiging successful dahil sa daming pagsubok ang dumating sa araw na iyon, lalong lalo na sa mga materials na gagamitin, kulang sa oras dahil sa last minute na na-cancel yung ibang materials na pinaghandaan at plinano ko. Pero buti nalang malakas ako kay Lord at nakahanap ako ng ibang suppliers online akala ko nga noon mahahalata niya dahil habang naghahanap ako ng mga kapalit na suppliers ay magkasama kami. Noong araw na yun nasa tagaytay kami para mag unwind mula sa mga problema namin, Mabuti at nariyan ang pamilya niya at pamilya ko upang tulungan at suportahan ako sa plano ko.
Enagagement
Noong una plano talaga naming makasal sana sa August 8 kaso sa hindi inaasahang pagkakataon maraming pangyayari ang hindi nagswak sa date na ito, kaya napag desisyunan naming pareho na gawin na lamang ito sa June 8, 2024. "JUNE" dahil ito ang maswerteng buwan para sa pagpapakasal at "8" kung saan naroon parin ang pinakamahalagang numero namin at sumisimbolo ng infinity na walang hanggang pagmamahalan naming dalawa sa isa't isa.